wala akong masyadong ginagawa right now. ang station managers na usual callers namin eh mga tulog yata. 1 hour and 12 minutes to go na lang before my shift ends and yet wala pa yatang 30 minutes ako nakipag-usap sa phone. medyo boring 'tong araw na ito. well, lately naman ganito. medyo nagkakatension lang sa office minsan dahil sa putang inang mga tsismis na kumakalat about me [ang sabi nga ni -m eh ako ang 'it' girl of the moment lol] but other than that eh wala na. ayoko na lang patulan ang mga kumakalat na isyu about me at baka mas sumikat pa ako harharhar
kaya minsan kapag wala akong ginagawa eh nakakatulog ako sa station ko and hindi lang iisang beses nakita, nasita, napagalitan at nahambalos ako ng cool boss ko about it hehehe [well, i try naman na kulitin ang tao sa paligid ko para magising pero sadyang inaantok lang talaga ako minsan. pasensya naman hmpf] so para mas lalo ko pang libangin ang sarili ko eh winiwili ko na ang sarili ko lately na mag-surf online [kahit restricted dahil nakaka-apekto daw sa network bandwidth usage ng office. paksyet ang oa! naturingan pa man ding top 5 company! hmpf!], mag-take ng pictures ng anu-ano at sinu-sino [na minsan eh kina-iiritahan na ng officemates ko dahil camwhore to the nth level ako], mag-isip ng isusulat sa blog ko [struggle ko to lately kasi may starbucks journal din akong sinusulatan ko. idagdag pa yung notes ko sa ipod touch ko], makinig ng songs sa ipod ko [pakinangsyet! out na ung bagong album ni alanis na flavors of entanglement! gusto ko na siyang bilhin pero yung syet ko na officemate nag-promise na sa akin na siya ang bibili kaya hindi ko binibili! [sayang kasi sa pera hehehe] tapos nalaman ko na lately deadma na siya na huwag bilhin hmpf! [in fairness naman sa kanya eh naghanap kami last week sa tower records glorietta but the female attendant was stupid to answer our inquiries. binugnot lang kami nung officemate ko hehehe]] or write on my journal [na puro anik-anik ang naka-tape na remembrance from some events in my life. be it a pack of sugar from krispy kreme or a deposit tag sa isang mall malapit sa village namin, pinapatulan kong idikit doon hehehe]. but i guess i really have to lessen my eating habits kasi inaatok lang naman ako usually pagkatapos kumain hehehe pero kung hindi naman ako kakain, wala na naman ako gagwin, thus, aantukin naman ako! potang ina, wala na akong kalalagyan! hmpf!
shet makukuha rin kita soon! waaaaahh!!!



0 comments:
Post a Comment