na-biktima ako ng holdup, it happened exactly two weeks ago. ang masakit doon eh nangyari pa sa mismong likod ng village namin -- kung saan ako nag-aabang ng masasakyan at bumababa at dumaraan halos araw-araw. limang kabataan [around 15-18 years old] ang nagtangkang kunin ang gamit ko. isa ang tumutok sa akin ng kutsilyo at nag-deklara ng holdup. nabigla ako sa pangyayari. mabilis ang lahat. pumalag ako, nahawakan ang kutsilyong nakatutok sa tagiliran ko, napadapa sa gitna ng kalsada habang hawak pa rin ang kutsilyo sa mga kamay ko, nasipa ako sa mukha, nakatayo at nakatakbong papalayo hanggang nakahingi ng tulong. sobrang ramdam ko ang takot habang nakikipagbuno ako sa mga nagtangkang humoldap sa akin pero alam kong walang mangyayaring masama sa akin kundi masugatan. wala kasing flashback ng buhay ko na nangyari sa akin nung time na yun. hindi ko alam kung katangahan ba yun na sobrang naniniwala na lang ako sa mga napapanood ko sa movies na your life flashes infront of you when you're about to die pero nung time na yun eh i took it as a sign. maybe i just took a leap of faith, na maliligtas pa rin ako kahit anong mangyari.
but the ironic thing is that i thought i'm already gonna die when i felt and saw blood dripping from my hands and head while i was running away from the robbers. i remember clearly na nanginginig ang buo kong katawan when i asked begged for help sa mga taong nakasalubong ko. and life really plays a trick on you on your sickest times -- lasing pa ang tumulong at nagdala sa akin sa hospital.
i'll just spare the other details pero dahil sa nangyari, ang dami kong natutunan and na-realize. hanggang ngayon eh masama pa rin ang loob ko sa pulis na una kong nilapitan but did nothing but refer me to the nearest hospital. i begged him to bring me there dahil hindi ko na nga kaya and lasing pa yung kasama ko but he drove me away instead. kesyo wala daw maghahatid sa akin. tang ina niya. dahil doon yung respeto ko dati sa mga pulis eh biglang nawala. i felt betrayed by the very person na i thought na tutulong sa akin. dahil sa ginawa na yun ng pulis eh i was brought to the barangay hall ng lasing na tumulong sa akin but i was received coldly. galit pa yung nasa barangay hall kasi eh nagising siya sa oras ng trabaho niya and i was even shouted at na lumabas ako ng barangay hall at umupo sa labas dahil kakalat ang dugo sa loob. putang ina din nila! huwag sana dumating ang panahon na hihingi sila ng tulong sa ibang tao at iparamdam na para silang basura! hanggang ngayon eh naninikip ang dibdib ko sa sama ng loob!
pagdating sa hospital eh doon ko naramdaman ang sentimyento ng palagi kong naririnig sa tv na ang mga ospital daw eh hindi kikilos hanggang walang perang ide-deposit sa kanila. dahil hindi na-honor ang medical card ko dahil may involved daw na third-party [putang inang maxicare yan! ano naman ang akala nila, magpapasaksak ako sa kamay para lang magamit ang card nila?! i could never really count on them except from getting medical certificates when i'm absent! hmpf!], i have no choice but to contact loreta for help. actually i don't wanna wake up mama sana for this situation kasi matatakutin yun. baka atakihin na lang siya sa puso kapag tinawagan siya and was told na naholdap ako. but i really have no choice, halos 2 hours na kasi ako sa hospital pero walang ginagawa ang nurses kundi hugasan lang ng tubig and lagyan ng first aid and sugat ko. i needed to be attended to immediately but they won't move unless someone pays for my deposit. tang ina rin nila! magsama-sama sila nung pulis at nung mga tao dun sa barangay hall! for the first time, i felt really bad for myself. sobrang awang-awa talaga ako sa sarili ko nung time na yun. pakiramdam ko eh walang gustong tumulong sa akin when i really needed help. na walang tutulong sa akin unless then gain something in return.
to make the long story short, dumating si loreta [si bf pa ang naka-contact at nagsabi dahil hindi siya magising nung tinatawagan siya ng nurses sa hospital] ng around 4am na yata. then that's the only time a doctor from the e.r. stitched the wound i had from the pagkakasipa sa akin nung isang guy when i fell on my back habang nakikipagbuno sa kutsilyo with another guy. i was taken to a ward after [lahat daw kasing private rooms eh taken na hmpf] which i shared with 3 other patients and was operated the same day kasi may naputol daw na litid sa right thumb ko which caused my thumb not to fold and feel numb. i stayed in the hospital for another day and was discharged with a 43,000++ pesos na bill. and that's just for a two-day stay in a ward pa ha. *argh*
fast-forward to today. i am still healing wounds and nurturing a [somehow] broken spirit as i type this post. nakakalungkot lang na dahil sa mga nangyari eh i'm suddenly feeling fear and paranoia [konti lang naman] sa mga nangyayari sa paligid ko. praning na ako may kumaluskos lang o kumilos sa tabi ko lalo na when i'm out. i always knew fear is just around the corner, lurking, but i never feared fear until the fateful september 10th. iba na ang tingin ko sa lahat. hindi na siya ang dating kalsadang dinadaanan ko araw-araw papasok. hindi na siya ang tahimik at mapagkanlong na waiting shed na hintayan ko ng bus kapag papasok ako. hindi na sila ang mga inosenteng mga kabataan na naglalakad sa harap ko kapag nag-aabang ako ng masasakyan papasok. hindi na ikaw ang dating stranger na nakakasalubong ko lang sa kalsada. iba na ang mga tunog na naririnig ko at mga aninong nakikita ko. may takot na ako sa mga bagay. nakakalungkot lang isipin na ang mga bagay at lugar na kanlungan ko dati at gusto eh kinakatakutan ko na ngayon. i just feel bad na may takot na ako to pass by sa likod ng village namin after nung nangyari. nakakaramdam na ako ng takot at kaba kahit i try to remind myself na hindi ako dapat nagpapatalo sa takot at sa mga nangyari. i try to tell myself na i will only be a victim when i choose to be one. but i have to be realistic, it's not a safe world anymore. kahit anong mangyari i have to be more cautious but let myself live life at the same time.
i already resigned sa dati kong work and naghihintay pa rin kung kelan magsisimula sa bago kong work. for the past two weeks na nasa bahay lang ako at walang ginagawa kundi magpagaling ng sugat, i could just wish na sa paggaling ng sugat ko eh sana mag-heal na rin ang spirit ko sa mga nangyari sa akin. please pray for me. i need it a lot. *sighs*
9.24.2007
it's not a safe world anymore
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



0 comments:
Post a Comment